-- Advertisements --

LAOAG CITY – Dead on arrival ang isang kapitan matapos atakihin sa puso habang nagmamaneho at bumangga sa isang nakaparadang sasakyan sa harap ng kapitolyo probinsyal sa bahagi ng Brgy. 10, lungsod ng Laoag, Ilocos Norte.

Kinumpirma ni Emma Taleon, nurse sa provincial capitol na namatay ang biktima na si Barangay Chairman Francisco Madariaga sa Brgy. 28, Cabusligan, bayan ng Bacarra habang patungo sila sa ospital.

Base sa inisyal na impormasyon, magpapakilo umano sana ng baboy ang biktima nang mangyari ang aksidente.

Nabatid na ang nakaparadang sasakyan ay nagbababa ng mga materyales na gagamitin sana para sa isang aktibidad nang nabangga ang biktima.