-- Advertisements --

Roxas City – Patay ang punong barangay habang sugatan naman ang tanod nito matapos na pagsasaksakin ng construction worker sa isang KTV Bar sa McKinley St., Barangay III, Roxas City.

Kinilala ang biktima na si Punong Barangay Ruben “Godo” Fuentes habang ang barangay tanod naman ay si Cesar Edrosolano ng naturang barangay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis na habang nagsasagawa ng ronda kagabi ang naturang opisyal at tanod nito ay nakita na lamang nila ang suspek na si Virgilio Vigor ng Janiauy, Iloilo na gumagawa ng kagulohan sa loob at labas ng KTV bar.

Dahil dito kinausap ito ng naturang opisyal ngunit sa halip na sumunod ay nagalit pa ito sa biktima dahilan na sinaksak ito ng suspek.

Nagtamo naman ng sugat sa dibdib at tagiliran si Fuentes na nagresulta ng kanyang kamatayan habang sugat naman sa tiyan ang natamo ni Edrosolano na patuloy ngayong ginagamot sa ospital.

Mabilis naman tumakas ang mga suspek ngunit hindi tumagal ay naaresto rin ito ng mga pulis.

Sa interview naman ng Bombo Radyo Roxas kay Joseph Jamora ay nakita na lamang nito ang suspek at mga biktima na naghahabulan at nag-aagawan pa ng kutsilyo.

Aniya na nadamay lamang ito matapos na inagaw nito ang kutsilyo upang pigilan sana ang kasamahan.

Samantala, mariing naman na pinabulaanan ng suspek na si Virgilio na siya ang nakapatay sa naturang biktima.

Napag-alaman na pawang lasing ang mga suspek nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon nasa kulungan na ng Roxas City Police Station ang mga suspek habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis.