BUTUAN CITY – Inasikaso na ng abogado ni dating Butuan City, Libertad Brgy. Captain Menchie Rosario ang P90,000.00 pyansa para sa kanyang temporaryong kalayaan matapos mahuli kahapon ng hapon sa kanyang tahanan dahil sa paglabag sa Republic Act No. 3019 o mas kilalang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Nalaman ng Bombo Radyo Butuan, na nagmula ang kaso sa kinwestyon na barangay hall project na ipinatupad noong siya pa umupong
punong barangay.
Napag-alamang naiparating na ang nasabing reklamo sa Sangguniang Panlunsod nitong lungsod ng Butuan ngunit hindi nadesisyunan dahil na-abutan ito ng election period.
Ayon kay PCaptain Anne Cubio, tagapagsalita ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Caraga, nasa mabuting kalagayan si Rosario na isina-ilalim nila sa medical examination.