BUTUAN CITY – Makalipas lamang ang isang linggong serbisyo mula sa tatlong buwang suspensyon, muli na namang pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ng Butuan City government si Ampayon Brgy. Captain Rodencio Basubas Jr. at Kagawad Vicente Rejas, chairman ng Committee on Transportation ng Sangguniang Barangay.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni kapitan na tanggap niya ang naturang suspensyon ngunit masakit para sa kanya na idinawit pa si Kagawad Rejas.
Laking gulat ni Kapitan Basubas dahil ipinalabas na lumabag umano siya sa RA 3019 kon Anti Graft & Corrupt Practices Act nang kanyang hingan ng barangay certificate ang mga tricycle at motorized trisicad drivers na residente ng ibang barangay at mag-solicit ng mga pasahero sa kanilang barangay.
Matatandaang nitong Agusto lang nang suspendihin ng city government ng tatlong buwan si Basubas matapos itong mahuli sa entrapment operation dahil sa umano’y pagtanggap ng bayad ng lupang pag-aari ng pamilyang Briones.