BUTUAN CITY – Idineklarang persona non-grata sa lalawigan ng Dinagat Islands ang 33-anyos na drag artist na si Amadeus Fernando Pagente na mas kilala bilang si Pura Luka Vega, residente ng Dipolog City, Zamboanga Del Norte.
Kini human gi-aprobahan ang Sangguniang Panlalawigan Resolution No. BBE-3627 na inihain ni Dinagat Islands District 2 Board member Regivvi Amor Alcaria kungsaan nakasaad dito na hindi papahintulutan si Vega na makapasok at makagawa ng kahit na anumang transaksyon sa nasabing lalawigan.
Ito’y may kaugnayan pa rin sa kontrobersiyal nga local bar performance nito lalo na sa kanyang gi-remix sa Katolikong kantang “Ama Namo” nitong Hulyo a-9 habang suot ang Jesus Black Nazarene inspired attire.
Una nang ideklarang persona non-grata ang nasangpit nga drag queen sa Metro Manila, Laguna, Cagayan de Oro City, Bukidnon, General Santos City, at iba pa.
Maliban sa pagdeklara sa kanya na persona non grata, patung-patong na mga kaso din ang hinaharap nito dahil sa paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code.