Inihayag ni Drag queen Pura Luka Vega na hindi siya nakatanggap ng summon mula sa Manila city prosecutor kaugnay ng criminal complaint na isinampa laban sa kanya ng mga religious groups.
Ang Hijos del Nazareno-Central, isang grupo ng mga deboto ng Black Nazarene, ay nagsampa ng kaso laban sa drag queen noong nakaraang buwan dahil sa isang pagtatanghal noong Hulyo, nang magbihis si Vega bilang Hesukristo at sumayaw sa isang bersyon ng punk rock ng awiting Katoliko na “Ama Namin.”
Ang Philippines for Jesus Movement, isang grupo ng mga Protestante, ay nagsampa rin ng kaso sa hukuman ng Quezon City laban kay Vega dahil sa paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code, na nagpaparusa sa “immoral doctrines, obscene publication and exhibitions and indecent shows.”
Sa pagdinig noong Setyembre 15 kung saan hindi sumipot si Vega, sinabi ni Hijos del Nazareno-Central president Val Samia na handa silang patawarin si Vega at ibasura ang reklamo kung aaminin ni Vega ang kanyang umano’y pagkakamali.