-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang isang Purok Chairman ng Tagum City matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect.

Kinilala ang biktima na si Venincio Loy Enriga, 47 anyos, Purok chairman ng Purok Garcia, Barangay Mankilam, Panabo City, at residente ng naturang lugar.

Batay sa report, alas 11:30 nitong umaga habang nasa meeting si Enriga kasama ang kanyang mga constituents sa basketball court ng naturang lugar, bigla na lamang dumating ang isang hindi pa nakilalang lalaki at pinagbabaril ang biktima ng maraming beses na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Narecover mula sa crime scene ang 4 na basiyo ng bala mula sa .45 caliber pistol.

Samantala, inaalam pa rin hanggang ngayon ng mga otoridad ang katotohanan sa mga kumakalat na balita na maaaring may kinalaman umano sa nahintong pay-out ng mga investment scam sa Davao del Norte ang pag-patay sa biktima dahil konektado umano ito sa pamilya ng mga matataas na opisyal ng Rigen Marketing.