-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hindi matatanggap ni Editha Karen ang karumal-dumal na nangyari sa kaniyang kapatid na pinagtataga-patay sa sariling pamangkin bandang alas 6:00 kagabi sa may Purok-5C, Barangay Antongalon, Butuan City.

Ayon kay Maam Editha sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan na hindi niya ma-imagine ang nangyari sa kaniyang kapatid na si Pablo Roca, binata, purok president sa nasabing lugar, na walang awa na pinagtataga sa suspek na si Maximo Ramirez, may-asawa na residente rin sa nasabing lugar.

Parang hayop lang umano na pinaghahampas gamit ang itak ang kaniyang kapatid hanggang sa kamatayan. Dahil nito ay desidido silang sasampahan ng kaso ang suspek upang hindi na makalabas sa bilanggoan.

Inihayag naman sa witness na si Alyas Dodong na dahil lang sa hindi pag-switch on sa street lights ang dahilan sa nasabing kremin.

Nagalit umano ang suspek na pati sila ay pinagsabihan dahil sa hindi man lang na-switch on ang street lights sa nasabing lugar.

Ngunit dahil sa galit ay naghamon ang biktima sa bahay ng suspek na siya namang ikinagalit nito hanggang nangyari ang kremin.