BAGUIO CITY – Personal ng papangunahan ng regional director ng Police Regional Office Cordillera (PRO-Cor) ang nagpapatuloy na pursuit operations na isinasagawa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army laban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Mountain Province.
Kasunod ito ng pagkasawi ng nasa siyam na pulis at pagkasugat ng maraming iba pa engkwentro ng mga pulis sa iba’t ibang lugar sa Mt. Province kamakailan
Pinatitiyak ngayon ni PRO-Cor Regional Director Police Brigadier General Israel Ephraim Dickson ang kahandaan ng pulisya at mga sundalo sakaling lumusob muli ang mga rebelde.
Wala naman aniyang ikabahala ang mga mamamayan sa Montañosa dahil uunahin ng tropa ng pamahalaan ang seguridad ng mga komunidad na pinangyarigan ng mga insidente.
Mahigpit din niyang pinapaalalahanan ang mga turista at mga residente na pansamantalang huwag munang tumungo sa mga lugar na kinordon ng pulisya at militar.
Umaasa si Dickson na hihinto na ang engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng mga rebeldeng NPA sa nasabing lalawigan.
Samantala, nagsagawa ng pre-emptive evacuation ang mga otoridad sa mga residente ng sitio Cotcot sa Barangay Poblacion, Lluagan at Malupa sa bayan ng Bauko, Mt. Province dahil sa mga pangyayaring ito.