CENTRAL MINDANAO- Nahuli ng mga otoridad ang isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang suspek na si Moctar Kasan, 41 anyos,may asawa at residente ng Brgy Kitango Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.
Ayon sa ulat ng Maguindanao PNP na nagsagawa ng drug buybust operation ang pulisya at PDEA-BARMM sa Brgy Kitango Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.
Nang akma nang i-abot ni Kasan ang pinagbabawal na droga sa asset ng PDEA-BARMM ay doon na siya dinakma ng mga otoridad.
Narekober sa posisyon ng suspek ang 11 pakete ng shabu,drug paraphernalia at isang rifle grenade.
Ang suspek ay positibong miyembro ng BIFF sa ilalim ng grupo ni Kagi Karialan.
Nakapiit na sa costudial facility ng PDEA-BARMM sa Cotabato City ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso.