-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa United Arab Emirates at Saudi Arabia ngayong linggo si Russian President Vladimir Putin.

Ang nasabing pagbisita ay ilang araw ng magkasundo ang OPEC at mga grupo ng mga oil producers kabilang ang tatlong bansa na boluntaryong magbawas ng 2.2 milyon bareles ng langis na kanilang gagawin kada araw.

Matapos ang anunsiyo ay bumagsak ng 2 porsiyento ang presyo ng langis noong nakaraang linggo.

Huling bumiyahe sa ibang bansa si Putin ay noong Oktubre ng magtungo ito sa China.