-- Advertisements --
Binalaan ni Russian President Vladimir Putin ang South Korea na isang malaking kamalian ang pagbibigay ng Ukraine para ipanlaban sa Russia.
Sinabi nito na ang gagawa ng desisyon ang Russia na hindi magugustuhan ng South Korea kung kanila itong ituloy.
Ang pahayag na ito ni Putin ay kasunod ng kasagutan ng South Korea ng magtungo ang Russian president sa North Korea kung saan nagkasundo sila ng matibay na samahan at handang ipagtanggol ang bawat isa kung sakaling may umatake sa kanila.
Bukod pa dito ay nagbabala rin si Putin na handa itong magbigay ng armas sa North Korea kung patuloy na magsuplay ang US at mga kaalyado nito ng mga armas sa Ukraine.