-- Advertisements --
Binalaan ni Russian President Vladimir Putin ang Ukraine na hindi sila magdadalawang isip na magpapaulan ng mga missiles kapag natamaan ang kanilang mga power grid.
Isinagawa nito ang pahayag sa pulong niya sa mga security alliance ng dating Soviet countries sa Astana, Kazakhstan.
Hindi rin ikinaila ng Russian President ang paggamit nila ng Collective Security Treaty Organization (CSTO) na tumama sa Dnipro city Ukraine.
Ipinagmalaki rin nito sa Collective Security Treaty Organization (CSTO) summit na nagsimula na ang Russia ng paggawa ng nuclear-capable weapon kung saan pumipili na ang kanilang Ministry of Defence ng mas maraming targets sa Ukraine para sa strikes gamit ang mga bagong missiles.