-- Advertisements --

Binatikos ni Russian President Vladimir Putin ang mga bansa na nagpapatupad ng no-fly zone.

Sinabi nito na tila ang nasabing mga bansa na nagpatupad ng no-fly zone ay sumasali sa kaguluhan sa pagitan nila ng Ukraine.

Isinagawa ni Putin ang nasabing pahayag sa pakikipagpulong nito sa mga flight crewmembers ng Russian national airlines.

Magugunitang ipinanukala ni North Atlantic Treaty Organization (NATO) Secretary General Jens Stoltenberg na hindi nila ikinokonsidera ang no-fly zone sa kanilang mga kaalyadong bansa.