-- Advertisements --

Dinoble ni Russian President Vladimir Putin ang bayad sa mga nais mag-volunteer para lumaban sa Ukraine.

Lahat ng mga Russians na pumirma ng kontrata sa army ay agad na makakatanggap ng $4,651 o katumbas ng mahigit P255,800.

Sa panibagong batas ay makakatanggap ang mga bagong sundalo ng nasa $37,791 o katumbas ng mahigit P2-milyon.

Maging ang mga sahod ng mga army opisyal ay kanilang dinagdagan para lalo umano ganahan ang mga ito na makipaglaban.

Magugunitang patuloy ang panghihikayat ng Russian government sa kanilang mamamayan para pumasok sa sundalo.