-- Advertisements --
Tiniyak ng kampo ni Russian President Vladimir Putin na ito ay magpapaturok ng COVID-19 vaccine sa harap ng telebisyon.
Ayon kay Kremlin spokesman Dmitry Peskov, na ito ang naging desisyon ng Russian President at hinihintay pa lamang ang ilang mga pormalidad bago tuluyang isagawa ang pagtuturok ng Sputnik V vaccine.
Nauna ng sinabi ng 68-anyos na si Putin na epektibo at ligtas ang kanilang bakuna kaya walang dapat na ikabahala kung magpapabakuna.
Magugunitang sa unang linggo pa lamang ng Disyembre ay nagpatupad na ng vaccination program ang Russia gamit ang kanilang sarilng bakuna na Sputnik V.