-- Advertisements --
Nag-alok ng pakikipag-usap si Russian President Vladimir Putin sa mga bansa na interesado sa paggawa ng mga anti-coronavirus vaccines.
Sa kaniyang talumpati sa 75th United Nation General Assembly ipinagmalaki nito na sila ang unang bansa na nakagawa ng bakuna laban coronavirus.
Hindi naman nito pinansin ang puna ng ilang UN staff na delikado dahil sa hindi dumaan sa clinical trials ang Sputnik V.
Magugunitang inilunsad na ng Russia noong Agosto ang Sputnik V na bakuna kung saan nakatakdang isagawa ang clinical trials sa ibang bansa gaya ng Mexico at Pilipinas.