-- Advertisements --
Handang tulungan ni Russian President Vladimir Putin si Belarusian leader Alexander Lukashenko.
Kasunod ito sa nagaganap na malawakang kilos protesta sa Belarus matapos na magwagi sa halalan si Lukashenko.
Ayon kay Putin, anumang oras ay nakahanda itong magpadala ng kaniyang militar para tulungan na ma-dispose ang mga protesters.
Mula pa noong nakaraang araw ay isa na ang patay habang marami naman ang ikinulong dahil sa nangyaring kilos protesta.
ikinagalit ng mga protesters ang sinasabing nangyayaring dayaan sa naganap na halalan kung saan nanalo pa rin si Lukashenko na namuno sa bansa mula pa noong 1994.