-- Advertisements --

Nakatakdang mag-usap sa telepono sina US President Joe Biden at Russian President Vladimir Putin.

Ito ay para talakayin ang kanilang nalalapit na pagpupulong sa Enero 10.

Sinabi ni US National Security Council spokesperson Emily Horne na mismo si Putin ang humiling sa US President na tawagan siya para maplantsa ang pag-uusap sa tensiyon na nagaganap sa Ukraine.

Tinanggap naman ito ni Biden at sinabing naniniwala siya na magiging maganda ang usapan kung lider sa lider ang mag-uusap.