-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin si Russian President Vladimir Putin matapos mag-crash sa airspace ng Russia sa Grozny, Chechnya noong Miyerkules, ang isang Azerbaijan Airliner na ikinasawi ng 38 inidibdwal. 

Bagama’t humingi ng paumanhin si Putin hindi sinabi na may pananagutan ang Russia. 

Sinabi ni Putin, aktibo ang mga air defense system ng Russia nang tangkaing lumapag ang eroplano sa Grozny, ayon sa Kremlin. 

Hindi maabot ang paliparan, lumihis ang eroplano sa silangan, kalaunan ay bumagsak malapit sa Aktau, Kazakhstan, na ikinamatay ng 38 katao na sakay nito.

Nakasakay sa naturang eroplano ang mga tao mula sa Azerbaijan, Russia, Kazakhstan at Kyrgyzstan. Kabilang sa mga nakaligtas ay dalawang bata.

Sinabi ni Aliyev ng Azerbaijan kay Putin na ang naturang eroplano ay “nakaenkwentro ng external physical at technical na panghihimasok habang ito ay nasa airspace ng Russia kung saan nagresulta ng kawalan ng kontrol”, ayon sa isang opisyal na pahayag ng pangulo. 

Aniya, sinuri ng mga awtoridad ng Azerbaijani ang mga butas sa fuselage ng eroplano at ni-review ang mga pinsalang natamo ng mga pasahero at crew members.