-- Advertisements --
Muling iginiit ni Russian President Vladimir Putin na ayaw nila ng giyera.
Kasunod ito sa patuloy na paglalagay ng kaniyagn bansa ng mga ilang daang libong sundalo sa border nila ng Ukraine.
Ito ang ginawang pagtitiyak ng Russian President sa isinagawang joint press conference kasama si German Chancellor Olaf Scholz.
Patuloy ang kanilang pakikipag-negosasyon at umaasa sa pantay na seguridad sa lahat kabilang ang Russia.
Nauna rito ilang mga sundalo ng Russia ang nakabalik na sa kanilang base matapos na makumpleto ang military exercise sa Belarus.
Magugunitang umabot sa mahigit 130,000 na mga sundalo ang inilagay ng Russia sa border nila ng Ukraine.