-- Advertisements --
Inakusahan ng prime minister ng Poland na si Russian President Vladimir Putin na siya umanong mastermind sa nangyaring migrant crisis sa border ng Belarus at Poland.
Ayon kay Mateusz Morawiecki, malapit na kakampi ni Putin ang Belarus’s authoritarian leader na si Alexander Lukashenko na siyang nagsimula ng crisis ngunit ang Moscow daw ang siyang mastermind nito.
Hindi bababa sa 2,000 mga migrants ang natigil sa border at kasalukuyang nakaranas ng sobrang lamig na panahon.
Nauna nang itinanggi ni Lukashenko ang akusasyon na siya ang nagpadala ng tao sa border bilang ganti sa European Union sanctions.