Pormal na inanunsiyo na ngayon ni President Vladimir Putin na bahagi na ng Russia ang apat na rehiyon mula sa Ukrainian territory na kanilang sinakop at sumailalim sa referendum.
Sa ginanap na seremonyas sa Kremlin kung saan nagtalumpati si Putin sa harap ng mga piling bisita kanyang inilatag kabilang na raw nila ang mga Donetsk, Luhansk, Kherson at Zaporizhzhia.
Ang naturang mga rehiyon sa Ukraine ay katatapos lamang sumailalim sa mabilisang referendum nitong nakalipas na tatlong araw.
Binigyang ni Putin na lahat daw ng mamamayan sa nasabing mga lugar ay magiging citizen na sa panghabang buhay ng Russia.
“I want the Kyiv authorities and their real masters in the West to hear me for everyone to remember. People living in Luhansk and Donetsk, Kherson and Zaporizhzhia are becoming our citizens. Forever,” ani Putin sa marangyang venue na St. George’s Hall. “The West has been looking for and continues to look for a new chance to weaken and destroy Russia which they have always dreamed of splitting our state pitting peoples against each other.”
Una nang mariing tinutulan ng Ukraine at mga western allies ang pagkamkam ng Russia sa nasabing mga lugar.
Sinabi naman ni European Union chief at diplomat na si Josep Borrell, na ang ginamit na mga balota ay maituturing na “illegal referenda.”
Ang White House ay tiniyak din na hindi kikilalanin ang resulta.
Sinasabing ang mga lupain sa mga lugar na ito ay kinapapalooban ng mga heavy industry, mayaman sa sakahan at critical para maging tulay 0.23 ang freshwater para sa Crimea.
Ang rehiyon ng Donetsk at Luhansk ay doon naman nakabase ang dalawang breakaway republics na matagal ng sinusuportahan ng Moscow mula pa noong 2014.
Ang lugar naman ng Kherson at parte ng Zaporizhzhia ay kinontrol ng Russian forces mula pa ng magsimula ang invasion ng Russia noong huling bahagi ng buwan ng Pebrero.
Kapansin pansin naman ang presensiya sa seremonya ng mga lider ng apat na rehiyon na sina Yevgeny Balitsky, ang head administrasyon ng Zaporizhzhia, Vladimir Saldo, gayundin ang nagmula sa Kherson na si Denis Pushilin mula sa self-proclaimed Donetsk People’s Republic, at Leonid Pasechnik mula naman sa self-proclaimed Luhansk People’s Republic.
Sa pagtatapos ng programa ay pinirmahan ni Putin ang agreements sa accession ng apat na mga rehiyon patungo sa Russia at pagkatapos ang pagpapakuha niya ng larawan sa apat na mga lider ng sinakop na rehiyon mula sa Ukraine.