-- Advertisements --

Inatasan ni Russian President Vladimir Putin ang kaniyang Federal Security Service (FSB) na paigtingin ang kanilang pangangalap ng mga counterintelligence.

Ito ay para matapatan nila ang mga Western Intelligence services.

Naniniwala kasi ito na may mga ipinapadala ang mga kaalyado ng Ukraine na mga tauhan para sila ay labanan.

Ipinag-utos din nito na dapat protektado umano ang kanilang mga control systems at mga military facilities.

Una rito ay inakusahan din nila ang Ukraine na nagpapalipad ng kanilang mga drones.

Mayroong bumagsak kasi na isang drones sa Gubastovo region na sinasabing tinatarget ang mga sibilyan sa Russia.

Isang uri umano ng Ukrainian made na UJ-22 attack drone na kayang lumipad ng hanggang 800 kilometers.

Tikom naman ang Ukraine sa naging akusasyon na ito ng Russia.