-- Advertisements --

Bumuo na ng police reserve force si Russian President Vladmir Putin na kaniyang ipapadala sa Belarus.

Sinabi nito, kinausap siya ni Belarus President Alexander Lukashenko at humiling na bumuo ng police reserve na kaniyan namang ginawa.

Napagkasunduan nila na hindi gagamitin ang mga ito hanggang hindi lumala ang kalagayan.

Magugunitang sumiklab ang kilos protesta matapos na kuwestiyonableng panalo nito sa halalan.

Paglilinaw ng Russian President na obligado ito na tulungan ang Belarus dahil nakasaad ito sa kanilang kasunduan.