-- Advertisements --

Inilatag ni Russian President Vladimir ang mga kondisyon para ceasefire deal niya sa bansang Ukraine.

Sa kaniyang pulong sa mga Russian ambassadors sa Moscow, sinabi nito na magkakaroon lamang ng ceasefire kung tuluyang lilisanin ng Ukraine ang mga bayan ng Donetsk, Luhansk, Kherson at Zaporizhzhia.

Isa rin sa kondisyon nito ay dapat na hindi na ituloy ng Ukraine ang makipag-alyansa sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Sakaling nagawa na ito ng Ukraine ay hindi na magdadalawang isip ang Russia na iatras ang lahat ng mga sundalong nakatalaga sa iba’t-ibang bahagi ng Ukraine.

Kinontra naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang kondisyon na ito ni Putin kung saan isa umanong Hitler-like “ultimatum”.

Nanindigan sila na makikipagnegosasyon lamang sila sa Moscow kapag wala ng mga puwersa ng mga Russia sa teritoryo ng Ukraine.

Isinagawa ni Putin ang pahayag isang araw bago ang gagawing pulong ng mga lider ng nasa 90 na bansa na gaganapin sa Switzerland kung saan hindi inimbitahan ang Russia dahil ang tatalakayin doon ay ang pagkakaroon ng kapayapaan sa Ukraine.

Binatikos naman ni US Defence Secretary Lloyd Austin ang pahayag ni Putin kung saan iligal na sinakop ng Russia ang Ukraine kaya wala itong karapatan na mag-demand.

Sinabi naman ni NATO Secretary-General Jens Stoltenberg na hindi bukal sa loob ni Putin ang nasabing paghingi ng ceasefire.