Ipinag-utos ni Russian President Vladimir Putin ang masusing imbestigasyon sa pagkakasunog ng pampasaherong eroplano na ikinasawi ng 41 katao.
Ang Aeroflot na national carrier ng Russia ay nasunog ilang minuto matapos na ito ay nag-take off.
Galing sa Sheremetyevo airport ang Sukhoi Superjet-100 at patungo sana ito sa Murmansk city ng ito ay nasunog dakong 3:00 p.m.
Mabilis na nasunog ang makina habang ito ay papalapag sa paliparan.
Ayon sa tagapagsalita ni Putin na ibinigay sa kaniya ang lahat ng mga impormasyon sa nasabing insidente.
Agad namang naglunsad ng imbestigasyon ang Investigative Committee ng Russia para malaman ang sanhi ng nasabing pagkakasunog ng eroplano.
Kabilang sa nasawi ay ilang mga bata na pasahero at mga flight attendant kung saan mayroong kabuuang 73 pasahero ang nasabing eroplano.