-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Russian President Vladimir Putin ang pagsisimula na ng mass voluntary vaccination laban sa COVID-19 sa susunod na linggo.

Ito ay matapos ang panibagong 589 na kaso ng pagkasawi dahil sa COVID-19 sa loob ng isang araw.

VLADIMIR PUTIN
Russian President Vladimir Putin

Sinabi ng Russian President, nakatakdang gumawa ang Russia ng dalawang milyong vaccine doses sa mga susunod na araw.

Noong nakaraang buwan ay ipinagmalaki ng Russia na mayroong 92% effectivity rate ang bakuna kontra sa COVID-19.

Ayon naman kay Deputy Prime Minister Tatiana Golikova na magsisimula ang large-scale vaccination sa mga nais magboluntaryo lamang.