-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Russian President Vladimir Putin na ilagay sa high alert ang deterence forces ng Russia na kinabibilangan ng mga nuclear arms.

Sa kanilang isinagawang pagpupulong ay inatasan ni Putin sina Defense Minister Sergei Shoigu at chief of General Staff of the Russian Armed Forces Valery Gerasimov na ilagay sa combat alert ang Russian Army Deterrence Force.

Ito aniya ay dahil sa mga agresibong komento ng mga top officials ng leading NATO countries laban sa Russia.

Ayon pa sa Russian President, unlawful o labag sa batas ang mga parusang ipinataw ng ilang mga bansa sa Russia.

Samantala, sa isang pahayag ay sinabi naman ni Russian Ministry of Defense na ang strategic forces ay idinisenyo upang hadlangan ang pagsalakay laban sa Russia at mga kaalyado nito, gayundin upang talunin ang aggressor, kabilang na ang isang digmaan sa paggamit ng mga nuclear weapons.