-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Russian President Vladimir Putin na may kakayahan ang kanilang navy na magpakawala ng nakakapinsalang rocket strike sa tubig man o sa himpapawid na target.

Isinagawa nito ang pahayag ilang araw matapos na ipakita ng Russian military ang mga makabagong armas pandigma.

Dagdag pa nito na ginagarantiya niya ang proteksyong kaniyang bansa at national interest.

Sa nasabing bagong kagamitan ay madali na nilang makita ang sinumang aatake sa tubig man o sa himpapawid.

Patuloy na nangunguna ang Russia sa mga paggawa ng mga malalakas na armas pandigma at ang pagkakaroon ng pinakabagong hypersonic precsision weapons.