-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni Russian President Vladimir Putin na sila pa rin ang hari ng mga hypersonic weapons sa buong mundo.
Isinagawa nito ang pahayag sa pakikpagpulong niya sa Russian Defense Minister.
Sinabi nito na wala ni isang bansa sa buong mundo ang nagmamay-ari ng mga hypersonic weapons.
Ang nasabing hypersonic weapons ay isang missile na may war head na may bilis na hypersonic.
Bukod kasi sa Russia ay humahabol na rin ang US at China sa paggawa ng kanilang mga hypersonic na mga armas.
Nagsagawa na ng testing ang China ng hypersonic aircraft habang kinontrata ng US Air Force ang Lockheed Martin para gumawa ng missile.