-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Russian President Vladimir Putin ang matagumpay na testing ng kanilang new generation ng nuclear-powered cruise missiles.

Sa kaniyang talumpati sa isang pagtitipon sa Sochi City, Russia, ibinida ni Putin ang makabagong uri ng cruise missile na tinawag nilang Burevestnik.

Taong 2018 ng ibinahagi ni Putin ang paggawa nila ng Burevestnik bilang bahagi ng pagpapalawak ng paggawa ng mga makabagong henerasyon ng intercontinental at hypersonic missiles.

Ilan sa mga missiles na kanilang ginawa ay ang Kinzhal Ballistic at Avangard Hypersonic glide vehicles.

Ang nasabing mga missiles aniya ay makakatulong para maipagtanggol nila ang kanilang bansa.