-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Russian President Vladimir Putin kay French President Emmanuel Macron ang ginagawa nitong pag-atake sa Ukraine.

Sa ginawang pag-uusap ng dalawa sa telepono na umabot sa 90 minuto, sinabi ng Russian president na malapit ng makamit ang ‘demilitarisation’ sa Ukraine.

Dagdag pa nito na kapag patuloy ang pag-antala ng Kyiv sa negosasyon ay madadagdagan pa ang mga demands ng Russia.

Sinabihan rin ni Putin si Macron na hindi niya nagustuhan ang pagkondina ng ilang mga mambabatas ng France ukol sa pagsakop nila sa Ukraine.