-- Advertisements --

Tiniyak ni Russian President Vladimir Putin na mas paiigtingin nila ang ginagawang testing para makontrol ang pagkalat ng coronavirus sa kanilang bansa.

Ito ay kahit nasa pangatlong puwesto na ang Russia sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng virus at mayroong limang opisyal na ng gobyerno ang nadapuan ng virus.

Ayon pa sa Russian President na kaya tumaas ang bilang ng nadapuan ay dahil pinalawig pa nila ang isinasagawang testing sa iba’t ibang panig.

Mahigpit rin aniya ang naging kautusan nito sa mga opisyal ng iba’t ibang bayan na magpatupad pa rin ng paghigpit kahit na niluwagan na niya ang lockdown.

Magugunitang nagpositibo sa coronavirus ang tagapagsalita nito na si Dmitry Peskov, Prime Minister Mikhail Mishustin, Culture Minister Olga Lyubimova at Construction Minister Vladmimir Yakushev.