-- Advertisements --
Kinansela na ni Russian President Vladimir Putin ang kaniyang taunang Victory Day parade sa Red Square dahil sa coronavirus pandemic.
Gaganapin sana sa Mayo 9 ang ika-75 anibersaryo ng tagumpay ng Russia sa Nazi Germany noong 1945.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kinansela ang nasabing Victory Day parade.
Sinabi ni Putin na mahirap ang desisyon nito na kanselahin ang tinaguriang sagradong kaganapan.
Umapela naman ang mga World War Two veterans na kung maaari ay ilipat na lamang muna ang petsa nito at huwag ng kanselahin.