Nananatiling matatag daw ang samahan ng Russia at China sa kabila ng pagtatangkang sirain ang relasyon ng dalawang bansa.
Ito ang binigyang diin ni Russian President Vladimir Putin sa isang panayam bago ang kaniyang nakatakdang summit sa US counterpart na si President Joe Biden sa Geneva.
Giniit ni Putin na hindi ikinokonsidera ng Russia bilang banta ang bansang China kung saan inilarawan ng Russian president na nasa “unprecedentedly high level” ang relasyon nito sa China.
Hindi rin naaalarma si Putin sa military expansion ng China dahil ang mahalaga aniya ay ang relasyon nito sa naturang bansa.
Basi kasi sa Stockholm International Peace Research Institute, pinapalawig pa ng China ang nuclear weapon nito kung saan tinataya umanong nasa kabuuang 350 ang warheads ng China.
Bagamat maliit ito kung ikukumpara sa warheads ng US na mayroong 70,000 at Russia na mayroong 54,000 warheads.
Una rito sa pamamagitan ng isang joint statement nagbabala ang NATO leaders sa lumalawak na impluwensiya ng China at tinawag din ang Russia na banta sa Euro-Atlantic Security. (with reports from Bombo Everly Rico)