-- Advertisements --
Nakatakdang magpaturok ng Sputnik V coronavirus vaccine si Russian President Vladimir Putin ngayong araw.
Ang nasabing pagpapaturok ng 68-anyos na si Putin ay para matuldukan ang kumukuwestiyon sa bisa ng nasabing bakuna.
Sinabi ni Putin na boluntaryo nilang pinagdedesiyon ang mga mamamayan nila kung magpapaturok ng bakuna.
Paglilinaw naman nito na kahit marami ang kumukuwestiyon sa kanilang bakuna ay marami pa ring mga bansa ang bumibili nito.
Nakatakda ring dumating sa Russia ang mga eksperto ng European Medicines Agency para pag-aralan ang mga clinical trials na isinagawa ng bakuna.
@@