Napuna ng mga kritiko ang pagdadala ng sariling drinking mug ni Russian President Vladimir Putin habang ito ay dumadalo sa G20 Summit sa Japan.
Makikita kasi sa official dinner kasama ang ilang mga lider ng iba’t ibang bansa na tanging si Putin lamang ang umiinom sa sarili nitong mug.
Sinabi naman ng tagapagsalita ni Putin na si Dmitry Peskov na may sarili itong tea na iniinom sa kaniyang thermos.
Hindi katulad aniya ni US President Donald Trump na makikitang nakipag-toss ito kay Putin sa isang regular wine glass na may lamang cola.
Dahil sa ipinakita ni Putin ay marami ang naghinala na tila walang tiwala ang 66-anyos na Russian leader sa kahit sinuman na makakasalamuha niya.
Maging sa social media ginawa namang katatawanan ito at ang iba ay nagsabi pa na dumaranas ng paranoia si Putin.