-- Advertisements --

May mabigat na babala si Russia President Vladimir Putin laban sa mga Western countries.

Sinabi nito na mapipilitan silang gumamit ng nuclear weapons kapag tamaan sila ng conventional missiles.

Ang nasabing desisyon ay kasagutan nila sa plano ng US at Britany kung papayagan nila ang Ukraine na gamitin ang mga conventional Western missiles sa Russia.

Dagdag pa ng 71-anyos na si Putin na isang malinaw na pag-atake sa Russia kapag pinayagan ng US at Britain ang Ukraine gumamit ng mga missiles.

Nakasaad kasi sa 2020 na batas na pirmado ni Putin na maaari nilang gamitin ang nuclear weapons sakaling may nuclear attack mula sa kalaban.