Nagbabala si Russian President Vladimir Putin na maituturing na isang ‘act of war’ sakaling tanggalin ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang restriksiyon sa paggamit ng Ukraine ng long-range Western missiles para atakehin ang Russia.
Ayon kay Putin nangangahulugan ito na ang NATO na kinabibilangan ng US at European countries ay nakikipag-digmaan sa Russia. Kung ito aniya ang mangyari, gagawa umano ang Moscow ng kaukulang desisyon bilang tugon sa mga banta laban sa kanila.
Ginawa ng Russian leader ang naturang pahayag kasunod ng tila pagiging bukas ng US at NATO allied partners sa posibilidad na pahintulutan ang Ukrainian forces na gumamit ng long-range weapons systems mula sa Western para atakehin ang military targets sa Russia sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine sa ikalawang taon.