Nagbigay na ng katiyakan si Russian President Vladmir Putin kay French President Emmanuel Macron na hindi na nila palalalain pa ang tensiyon sa border ng Ukraine.
Sinabi Macron na ito ang naging pagtitiyak sa kaniya ni Putin subalit hindi ito nagbigay ng garantiya.
Umabot aniya sa anim na oras ang ginawang pagpupulong nila ni Putin.
Matapos kasi ang pakikpulong nito sa Russia ay nagtungo na ito sa Ukraine.
Sinabi Ukraine President Volodymyr Zelensky na tila mayroon ng magandang patutunguhan ang nasabing negosasyon.
Umaasa si Zelensky na magkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng Russia, France at Germany para maibsan ang tensiyon sa Ukraine.
Magugunitang makailang beses na itinanggi ng Russia na kanilang lulusubin ang Ukraine kahit na naglagay na sila ng mahigit 100,000 sundalo.