-- Advertisements --

Nagdeklara si Russian President Vladimir Putin ng unilateral Easter ceasefire sa Ukraine. 

Sinabi ni Pangulong Volodymyr Zelenskiy na inurong ng Ukrainian air defense unit ang pag-atake ng mga Russian drones nitong Sabado, na pagpapakita aniya ng tunay na saloobin ng bansa sa Pasko ng Pagkabuhay at sa buhay ng mga tao.

Sa isang pagpupulong sa Kremlin kasama ang Russian Chief of General Staff na si Valery Gerasimov, sinabi ni Putin na ang tigil-putukan ay magsisimula dakong alas-6 ng gabi oras sa Moscow at magtatapos hanggang alas-dose ng madaling araw sa Linggo. 

Ang tigil-putukan, ayon kay Putin, ay bilang humanitarian consideration sa Ukraine ngayong Linggo ng Pagkabuhay.

Pansamantalang pinahinto ni Putin ang lahat ng military activities. 

Inaasahan ni Putin na makikibahagi rin ang kabilang panig sa inisyatibang ito, at sinabing ang magiging tagumpay o kabiguan ng tigil-putukan ay magpapakita ng kahandaan at kakayahan ng Ukraine na hanapin ang mapayapang solusyon sa sigalot.