-- Advertisements --

Nagpadala pa ng karagdagang pwersa ng Russia sa Ukraine si Russian President Vladimir Putin.

Ayon sa isang senior US defense official, ito halos nasa 100 porsyento ng higit sa 150,000 na pwersang naunang itinalaga ni Putin sa labas ng nasabing bansa bago pa man nito isinagawa ang pananalakay.

Samantala, ipinag-utos namn ng Pentagon ang pagtatalaga pa ng dagdag na 500 tropa sa Europa, na magdadala naman sa kabuuang bilang ng American forces doon sa humigit-kumulang 100,000.

Habang nilalayon naman ng Estados Unidos na magbantay laban sa naturang kaguluhan sa mga bansa na kabilang sa NATO.