-- Advertisements --

Nagpahayag na ng interest si Russian President Vladimir Putin na magkaroon sila ng pag-uusap ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Sinabi nito na lagi nilang tinitignan ang positibong resulta ng pagsulong ng usaping pangkapaypaan.

Ipinapaubaya na lamang niya si Ukraine kung interesado pa sila sa pakikipag-usap.

Una rito ay namagitan ang US sa pag-uusap ng dalawang opisyal kung saan mayroon silang ipinadalang mga representatives para tuluyan ng matapos ang mahigit tatlong taon na kaguluhan sa dalawang bansa.

Nagbanta na rin si US President Donald Trump na hahayaan na nila ang nasabing dalawang bansa at hindi na sila makikialam.