-- Advertisements --

Nagpahayag muli si Russian President Vladimir Putin sa pagtakbo muli sa pagkapangulo.

Nasa batas kasi ng Russia na matatapos ang kaniyang termino hanggang 2024.

Pero sa ibinabalangkas na bagong batas na pagpapalawig ng kaniyang termino ng hanggang 2036.

Ayon pa sa 67-anyos na pangulo na dapat unahin na lamang ang trabaho at huwag ng munang isipin kung sino ang papalit sa kaniya.

Mula pa kasi noong 2000 hanggang 2008 ay naging pangulo ito ng Russia at bumalik siya ng 2012.

Bago ito ay nagsilbi itong prime minister ng bansa mula 1999 hanggang 2000.