-- Advertisements --

Hindi na ipinakita pa sa publiko ni Russian President Vladimir Putin ang pagpapaturok niya ng COVID-19 vaccine.

Isinagawa ang nasabing pagpapabakuna ng walang mga camera at hindi na rin binanggit kung anong uri ng bakuna ang itinurok sa Russian President.

Ang nasabing hakbang ng pangulo ng Russia ay para mahikayat ang kaniyang kababayan na magpaturok ng bakuna.

Magugunitang ipinagmalaki ni Putin na epektibo ang COVID-19 vaccine na gawa ng Russia at handa itong magpaturok nito.