Nagpaabot na ng pakikiramay si Russian President Vladimir Putin sa pagkasawi ni Wagner mercenary group leader Yevgeny Prigozhin.
Si Prigozhin ay pinaniniwalaang kasama sa nasawi matapos na bumagsak ang eroplano nito sa Russia.
Sinabi ni Putin na isang talentadong negosyante ang Wagner leader at inamin niyang nakagawa ito ng pagkakamali at nakamit ang nararapat na resulta.
Pagtitiyak ni Putin na gugulong ang imbestigasyon sa nasabing pagkasawi ng nasabing Wagner Merceneary boss.
Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Putin ukol sa nasabing pagkasawi ni Prigozhin kung saan marami ang spekulasyon na kagagawan umano ng Russian military ang nasabing insidente.
Ang Wagner mercenary ay aktibong nakikipaglaban sa Ukraine hanggang noong Hunyo ay naglunsad si Prigozhin ng pag-aklas laban sa lider ng Russian military na agad namang napigilan ng mamagitan ang lider ng Belarus.