-- Advertisements --

Nagtalaga umano ang pangulo ng Russia na si Vladimir Putin ng isang bagong heneral upang pamunuan ang digmaan sa Ukraine habang ang kanyang militar ay nagbabago ng mga plano pagkatapos na pagkabigo na kunin ang Kyiv.

Ayon sa isang opisyal ng US at isang opisyal ng Europa ang mga Russians ay nakakaramdam ng “self-imposed” na “pressure” upang makamit ang ilang tagumpay pagsapit ng Mayo 9, ang araw na ipinagdiriwang ng Russia ang selebrasyon sa panalo laban sa Germany noong World War II sa panahon ni Hitler.

Sinasabing itinalaga ni Putin sa kanyang giyerra si Army Gen. Alexander Dvornikov, ang commander ng Russia’s Southern Military District.

Si Dvornikov, 60, ang unang commander ng Russia sa military operations sa Syria.

Kaya naman pinangangambahan na titindi pa ang pambobomba ng Russia sa Ukraine at mas maraming sibilyan ang madadamay.

Nauna nang sinabi ni Austrian Chancellor Karl Nehammer na makikipagpulong kay Putin sa Moscow nitong Lunes.

Nanawagan din si Nehammer para sa mga evacuation corridors, ceasefire at isang full investigation para sa war crimes.

Sinabi niya na si Ukrainian President Volodymyr Zelensky, ang mga pinuno ng EU at ang Turkish President na si Recep Tayyip Erdoğan ay naabisuhan tungkol sa pakikipagpulong kay Putin.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 4.5 million katao na ang lumikas sa Ukraine mula ng magsimula ang pananalakay ng Russia.

Samantala, umakyat na rin sa 57 ang namatay matapos ang missile strike sa Kramatorsk train station.

Maliban sa mga namatay, nasa 109 katao rin ang sugatan.