-- Advertisements --

Nagkakaroon na ng pag-uusap ang Russia at ang bagong namumuno sa Syria.

Sinabi ni Russian President Vladimir Putin, na layon ng kaniyang pakikipag-usap sa bagong namumuno sa Syria ay para sa pagpapanatili ng kanilang dalawang base militar sa lugar.

Ang nasabing mga military bases sa Mediterranean coast ay magagamit para sa humanitarian purpose.

Kinumpirma naman nito na hindi pa rin sila nagkakausap ng pinatalsik na si Syrian President Bashar al-Assad ng ilang taon kahit na napaulat na ito ay nagtungo sa Moscow matapos na sakupin ng rebeldeng grupo ang Syria.