-- Advertisements --
Nanawagan si Russian President Vladimir Putin ng mga foreign volunteer na kayang lumaban sa mga Ukrainian forces.
Isinagawa nito ang panawagan sa ginanap na security council meeting kung saan papayagan ang mga volunteer na susuporta sa Russia sa paglaban sa mga puwersa ng Ukraine.
Ayon naman kay Russian Defence Minister Sergei Shoigu na mayroong 16,000 volunteers mula sa Middle East ang nakikipaglaban na kasama ang mga Russian forces.
Malaki rin ang paniniwala ng US na maaring kasama dito ang mga Syrian skilled urban combat fighters.
Matagal na kasing kaalyado ng Russia ang Syria kung saan backer ni Putin si Syrian President Bashar al-Assad.